Wednesday, October 14, 2009

Pataas Pa, Sige Pa


PATAAS PA, SIGE PA
~Krizzia Demetilla~


Humawak nang mahigpit

Tandaang huwag na huwag bibitiw

Pataas pa
Pababa pa

Huminga ng malalim
Tandaang malayu-layo pa ang lalakbayin

Pataas pa
Pataas pa

Tikman ang manamis-namis na hangin
Tandaang umiikli na ang oras

Pababa pa
Pataas pa

Tingnan ang kumikislap-kislap na mga kulay
Tandaang sila'y butihing liwanag

Pababa
Pababa
Pababa na

O Agosto,
Sa paglalakbay ko nang limang minuto,
Inaalay itong alaala

Sa munting kabayo sa karusel
Na malaking saya sa maikling buhay ko
Kahit sa kaunti kong nagniningning na piso.


0 comments:

Post a Comment